Showing posts with label #Joke Time. Show all posts

JOKE TIME: Ang colonel at ang airman

Isang araw, ng matapos mag-lipat sa kanyang bagong opisina, may isang colonel na nakaupo sa kanyang desk habang kumakatok sa pintuan ang isang airman.  

Conscious sa bago nyang posisyon, mabilis na kinuha ng colonel ang telepono malapit sa kanya. Sinabihan ang Airman na pumasok at may sinabi sa telepono.

"...Yes, General, magkikita kami mamayang hapon at makaka-asa ka na darating sa kanya ang iyong mensahe... Sa ngayon Sir, maraming salamat sa iyong magagandang salita."

Sa pakiramdam nyang naimpress ang isang airman. Tinanong niya ito, "Ano kailangan mo?"

"Nothing important Sir," sabi ng airman, "Kailangan ko lang po i-install yung telepono."

He... He... He...


© iamreservist.blogspot.com

JOKE TIME:

Isang umaga bago umakyat ng bundok ang mga sundalong Pinoy at mga sundalong Amerikano para sa BALIKATAN TRAINING may instruction ang Opisyal ng mga sundalong Pinoy sa tropa:

OPISYAL: Ok to all Filipino soldiers we must all speak in ENGLISH!

Habang naglalakad na sa bundok ang tropa. Nang biglang nakita ng Pinoy na sundalo ang Bag ng Amerikano na nakabukas:

PINOY: Sir yung Bag mo bukas.

AMERIKANO: What?

PINOY: Sir your bag is tomorrow!


he he he