Showing posts with label PAST. Show all posts

Philippine Army Shooting Team photos in AASAM 2013

Photos from AASAM Facebook page by their respective photographers.
Mga kawal natin sa AASAM 2013 ay hinahanap at vine-verify ang scores pagkatapos sa naganap na match.

Si Sgt Rudy Edas, PA ay tinutulungan sa mga technique upang maka-iscore ang isang US Army Specialist Christopher Payne sa huling araw ng Australian Army Skill at Arms Meeting (AASAM). 

Photo by SGT John Waddell © Commonwealth of Australia 2013




Isang myembro ng Philippine Army Shooting Team ay dumaan sa isang obstacle course na parte sa Match 51 kasama ang isang sundalo na hawak ang bandila ng Pilipinas. 

Awarding


Champion Shot - International! Congratulations Staff Sergeant Armando Mejia of the Philippines!

Philippine Army Shooting Team Photos



Napakasarap isipin at damdamin ang isang Pilipino na gumanap bilang kontestant sa isang okasyon na ito. Talagang saludo kami sa kawal Pilipino! You do us proud!

Photos from AASAM Facebook page by their respective photographers.

Ang ating sundalo sa AASAM 2013


Mga mahuhusay na 350 shooters galing sa ibat-ibang sulok ng mundo ay dumalo para sa Australian Army Skill at Arms Meeting (AASAM) noong ika 2 - 17 ng Mayo, 2013 sa Puckapunyal Military Range, Victoria, Australia

Ito ay isang combat focused skill at arms competition para maipakita ang husay ng bawat sundalo ng kanilang bansa gamit ang current in-service small arms system capabilities, equipment and targetry, at training analysis ng combat shooting technique, weapon training doctrine, at small arms practice.


Naghayag na kampeon ang sarili nating' Staff Sergeant Armando Mejia, Philippine Army sa international champion shot category.  Photo by: Sgt John Waddell, Commonwealth of Australia 2013 


For champion shot results click here

Habang 3rd place naman tayo sa international teams weapons championship category. Isang oooahh naman dyan!


Mga Pilipinong kawal natin sa AASAM sa awarding ceremony. Photo by SGT John Waddell © Commonwealth of Australia 2013

Ang naturang kompetisyon at sinasalihan ng mga shooters galing sa United States, Great Britain, Australia, New Zealand, Malaysia, Indonesia, China at marami pang iba. Ngunit ito ay kompetensya lamang sa husay sa lingwahe ng marksmanship kung saan ang isang team o indibidwal ay sasabak sa mga iba't-ibang pagsubok araw man o gabi. May assault course na mapapakita ang galing sa close quarter fighting at deliberate shooting to 450 meters. Mga isniper at susubok sa target na lagpas 1000 meters habang ang ibang contestants naman ay puputok ng iba't-ibang klaseng baril na standard issue sa kanilang sandatahang lakas. 

For the international results click here
For champion shot results click here


Mga isnappy at pogi nating Philippine Army Shooting Team (PAST) sa the AASAM 2013. Photo by SGT John Waddell © Commonwealth of Australia 2013
Dahil dito ay talaga namang masarap maging Pilipino! Ganyan din ang mga kawal natin, world -class!

Mga pictures ng kawal natin sa naganap na AASAM
Photos by AASAM 2013 Facebook page by their respective photographers. 

© iamreservist.blogspot.com